Ang Mga Sumerian
Ang mga Sumerian {3500 - 2340 B.C.E.}
Ang nomadikong pastol na grupo ay namalagi sa katimugang bahagi ng Mesopotamia at nagsimulang mamuhay sa pamamagitan ng pagsasaka noong pagtapos ng Panahong Neolotiko. Tumutukoy sa gawi ng mga tao o pangkat ng tao na nagpapalipat-lipat ay ang Nomadikong pamumuhay, maaaring dulot ng pagbabago sa panahon o pagakubos sa kanilang suplay ng pagkain sa kapaligiran. Pinamumunuan ang mga lungsod-estado ng isang lugal o hari, ang bawat lungsod-estado ay may lungsod at lupang sakahang nakapaligid dito. Mayroon ding sariling pamahalaan ang iba pang lungsod-estado gaya ng Erido, Kish, Lagash, Uruk, Ur at Nippur. Matatagpuan ang tinatawag na ziggurat ang mga estrakturang templo na nagsisilbing tahanan ng patron o diyos sa isang lungsod at tanging mga pari lamang ang maaaring makapasok dahil ito ay isang sagradong lugar.
Ang mga Sumerian at iba pang mga sinaunang mga tao ay naniniwala sa maraming Diyos at Diyosa na tinatawag na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao. Maitatala ng mga Sumerian ang mga pangyayari sa lipunanan sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform na ang ibig sabihin ay hugis-sinsel o wedge-shaped, ang paraan ng pagsusulat nila ay paggamit ng stylus na gawasa tambo o reed. Gamit ang stylus nagsulat ang mga Sumerian sa mga clay tablet o basang luwad na lapida. Upang makapagtanim ang mga Sumerian ng barley, chickpea, lentil, millet, wheat, date, lettuce, leek at iba pa para makatulong ang sistemang irigasyon. Nakatulong din sa kabuhayan ang pagkatuklas ng gulong at araro, nag-alaga rin sila ng mga baka, tupa, kambing at baboy.
Comments
Post a Comment