Ang Mga Akkadian

Ang mga Sumerian ay hindi nakabuo ng mataas na pamahalaan sa kabila ng pag–usbong ng lungsod-estado, ang tunggalian ng mga lungsod estado ukol sa lupa at tubig ay naging karaniwan sa mga panahong ito. Noong 2350 B.C.E. sinakop ni Sargon I {2334-2279 B.C.E.} ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daigdig. Mula sa hilagang bahagi si Sargon O at dahil dito ang kauna-unahang imperyo ay tinawag na Akkadian. Ang imperyong sinimula niya ay ipinagpatuloy ng kanyang mga anak at tumagal lamang ng halos 150 taon. Ang isa sa pinakahuling mahusay na pinuno dito ay si Naram-Sinm {2254-2218 B.C.E.}. Sa pagbagsak ng Akkadia, ay muling nagpalakas at lumaya ang mga lungsod sa timog ng Mesopotamia. Pangunahin sa mga lungsod-estado na ito ay Ur, sa ilalim ni Ur-Nammu {2112-2095 B.C.E.}, naging kabisera ng isang imperong kumalaban sa Akkadian ang lungsod na ito. Panandaliang nabawi ang kapangyarihan at pinamunuan ang Sumer at Akkad ni Ur at siyya ang nagpatayo ng ziggurat. Merong mga taong sumugod na galing sa nakapaligid na kabundukan at disyerto sa Mesopotamia at kinailangang kalabanin ng mga pinuno ng Ikatlong dinastiya ng Ur tulad ng mga naunang hari ng lungsod. Nahikayat ito sila sa pagtungo rito dahil sa matabang lupain. Bumagsak ang Dinastiyang Ur-nammu sa ilalim ng pamumuno ng apo ni Ur-Nammu na si Ibbi-Su {2028-2004 B.C.E.} sa pagsalakay ng mga Armorite at Hurrian sa Mesopotamia. Ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa ay natunggalian upang makontrol ang rehiyon.
Comments
Post a Comment