Ang Mga Chaldean: Ang Bagong Babylonian

Ang mga Chaldean: Ang bagong Babylonian {612 - 539 B.C.E.}

Hanging Gardens of Babylon
Matatagpuan ang Chaldea sa katimugang bahagi ng Babylonia at sa silangan upang patatagin ang kanilang kontrol, tuluyang napasakamay ng mga hari ng Babylon ang Imperyong Assyrian. Ang rurok ng kadakilaan sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II ay natamo ng Babylonia. Naging isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig ang Babylon at bukod pa rito may ipinagawa niya para sa kanyang asawa at ikinalala ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World ang Hanging Gardens of Babylon.


Sa panahon ni Nabonidus 60 taong pamamayani ng Babylonia ay muling nasadlak sa panganib nang masaksihan ng Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa silangan, ang mga Persian. Nilusob ng hukbo ni Cyrus The Great ang Persia noong 539 B.C.E. Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang mga Persian at dahil dito nahinto ang halos tatlong milenyong pagpupunyagi ng mga mamamayan ng Mesopotamia sa kanilang sariling lupain. Naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian na umabot sa Egypt hanggang sa India. Natunghayan ng rehiyong ang pag-usbong ng sibilisasyong greek at ang pagbagsak ng imperyo ng Persia sa mga kamay ni Alexander the Great, ang Hari ng Macedonia sa sumusunod na dalawang siglo.






Comments

Popular Posts