Ang Mga Babylonian

 Ang mga Babylonian {1792-1595 B.C.E}




Lumakas ang lungsod ng Babylon na humantong sa pagsakop sa Mesopotamia at paghari ni Hammurabi mula 1792- 1750 B.C.E. Bilang hari, sinakop niya ang katimugang bahagi ng Mesopotamia upang maging isang imperyo. Naging kabisera ng Imperyong Babylonia ang Babylon. Nasakop din ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga sa kanyang pagahahari, kabilang na ang mga pinuno kahariang Ashur. Ang Code of Hammurabi ay ang isa sa pinakamahalagang ambag ng mga Babylonian na kilala sa prinsipyong “An eye for an eye, a tooth for a tooth” o sa wikang tagalog “mata sa mata, ngipin sa ngipin”.

Sa kabila ng pagkamatay ni Hammurabi at pagka–watak-watak ng kaharian ng Babylon, nanatiling kabisera ng isang katimugang kaharian ang lungsod na ito. Sinalakay ng mga Hittie mula sa Anatolia ang Babylon noong 1595 B.C.E., nagtagumpay sila at nakuha ang patron ng Babylon na estatwa ni Merduk.  Pinaniwalaang ang mga Kassite na naghahari ng Babylon at ang kaharian ng Hurrian sa Mitanni sa hilaga ang namayani sa Mesopotamia matapos ang mahabang panahon. Noong 1350 B.C.E. bumagsak ito dahil sa patuloy na panggipit ng mga Hittite sa kanluran. Sila ang orihinal na nagmula sa hilagang-silangang bahagi ng Black Sea, lumisan sila at nanirahan sa Asia Minor.

Comments

Popular Posts