Ang Mga Assyrian
Ang mga Assyrian {1813 - 605 B.C.E.}
Matatagpuan sa bulubunduking rehiyon sa hilaga ng babylon ang Assyria, sakop ng rehiyong ito ang hilagang bahagi ng Tigris hanggang sa mataas na kabundukan ng Armenia. Napasakamay ng sundalong si Shamsi-Adad I {1813-1781 B.C.E.} pagkatapos ng ika-19 na siglo B.C.E. Ang unang kabisera ng Assyria ang Ashur, isang imperyo ang kanyang itinatag sa sa hilaga ng Mesopotamia. Sa pagpanaw ni Shamsi–Adad I, nagsimulang bumagsak ang imperyo at ang bahaging hilaga ay naging bukas sa mga pagsalakay mula sa katimugan. Noong 1120 B.C.E. nasupil ni Tiglath-Pileser I {1114-1076 B.C.E.} ang mga Hittite at naabot ng puwersa niya ang baybayin ng Meditterian. Siya ang itinuturing na tagapagtatag ng Imperyong Assyriam. Sa mga panahong ito, maraming pagbabagong politikal ang naganap sa rehiyon malapit sa Mediterranean. Sa Mesopotamia patuloy na naglaban ang mga tribo ng Aramean at Chaldean sa layong mapasailalim ang Babylonia. Isang mahalagang pinuno ng Assyria sa panahong ito ay si Ashurnasirpal II {1049-1031 B.C.E.}. Noong 745 B.C.E., napasakamay ni Tiglath–Pileser III {745-728 B.C.E.} ang kapangyarihan at isinailalim ang iba pang mga estado sa isang imperyo. Isa si Ashurbanipal sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kanyang panahon.
Comments
Post a Comment