Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya


Ang Mesopotamia ay nagmula sa salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay “pagitan” at potamos ma ibig sabihin ay “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay “sa pagitan ng mga ilog”, tinuturing ito bilang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang mga panulat na nagmula dito ay ang kauna-unahan sa buong daigdig, ito ay sinakop at pinanahanan ng iba’t ibang unang pangkat ng tao. Ang mga Sumerian, Persian, at Chaldean ay kabilang dito, samantala ang mga Elamite at Hittite ay nagtaka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon ay umusbong at bumagsak ang iba’t ibang mga lungsod at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan naman ng iba pang mga kabihasnan. Ang malawak na lupain kung saan dumadaloy ang Tigris at Euphrates ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.



Mesopotamia ang tawag sa lupaing matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito, ang Turkey, bahagi ng Syria at Iraq sa kasalukuyan dito ito matatagpuan. Matatagpuan din ito sa Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Walang likas na hangganan ang Mesopotamia kaya mahirap ipagtanggol ang lupain na ito. Umusbong dito ang impluwensya ng ibang karatig-lugar dahil sa ugnayang pangkalakalan. Sa taong 5500 B.C.E daandaang maliliit na pamayanan ang matatagpuan sa kapatagan sa hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Sa mga sumunod na dantaon umunlad ang lipunan at nagkaroon ng pagababago sa aspektong pampolitika,panrelihiyon at panlipunan, nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan. Ang Uruk ay isang halimbawa ng itinituring na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.

Comments

Popular Posts